Sunday, May 10, 2015

QUALITY over QUANTITY

Sa buhay kolehiyo, mahirap makahanap ng mga taong totoo sa'yo. Yung tipong kahit hindi ka man nakatalikod, pero hinding hindi ka nila sasaksakin patalikod. Pero sa totoo lang, sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala. Yung pagtitiwalaan mo sila pero idedecline naman nila. Kasama mo silang tumawa, pero kapag hindi na happy moments, hindi mo na sila mahagilap. Yung tipong sasang-ayunan ka nila sa mga opinyon mo, hinaing mo, at mga problema mo, pero sa totoo lang, sa isip isip nila, wala silang pakialam sayo. 

Pero siguro sa lahat ng pangit na nangyari sakin, despite sa pagiging loko loko ko, pagiging sinungaling ko, pagiging matigas ang ulo ko, wala akong pinapakinggan, sa pagiging impulsive ko sa pagdedesisyon, sa pagiging topakin ko, pagiging mapang asar ko, kung madalas nakakapikon ako, hindi nila maunawaan yung mga pananaw ko, na kahit aminin ko sa sarili ko na minsan hindi ko rin maintindihan yung sarili ko, bukod sa Panginoon, magulang at mga kaibigan ko noong high school, may dalawang lalaki na patuloy umiinti, gumagabay, at minamahal ako sa lahat ng mga imperfections ko.

Madalas mang maramdaman ko na hindi nila ko maintindihan pero sa tuwing hindi ko na kayang lumaban, may dalawang kamay na hahawak sakin at sasabihing "Kaya mo yan! Ikaw pa ba?"

Monday, March 16, 2015

MY ONE-AND-ONLY CHINITO ♥

Labing isang taong gulang ako nung una ko syang makita. Gumanap syang Raffy sa isang komik serye na Lastikman. Simula noon, imbes na si Vhong Navarro ang abangan ko at pagbuhusan ko ng pansin, sa kanya napunta ang atensyon ko. Siguro 17 sya nung mga panahong yun. He captured my attention. Chinito, sakto lang ang height at pangangatawan, pero may isang bagay sa kanya na hindi maalis alis sa isipan ko ... yung mga ngiti nya. Ngiting nakakapagpawala ng stress sa buhay, ngiting hahanap hanapin mo pagkagising mo, ngiting akala mo wala syang problemang pinapasan. Siguro iisipin ng makakabasa neto, masyado akong madrama pero yun yung nararamdaman ko. At kung tatanungin mo kung sino sya, ERNEST LORENZO VELASQUEZ DEE ang pangalan nya.

Based on my research (Naks!), tubong Camarines Sur (?!), pinanganak noong November 5, 1989. Oha! At nagtapos sa Unibersidad ng De La Salle at isang pride ng ating bansa pagdating sa paligsahan ng paglangoy. Nakakatawa kasi kahit kailan hindi ko binalak na tumulad sa iba nyang fan (FAED at kung anek anek pa) pumunta sa mga shows nya, bisitahin sya sa taping, suportahan sya sa kahit anong gagawin nya ... gusto ko pero hindi ko alam kung paano. Kaya nanatili akong fan na hindi nya alam na nag-eexist pala ko. Tuwing ASAP, aabangan ko prod number nya, yung mga nakakaliriyong pag-indak ng katawan nya, yung mga kagat labi nya, kindat at ngiti nyang nakakamatay habang sumasayaw sya. At alam ko, matagal na nyang pangarap maging Recording Artist. Kaya ngayon, nagkaroon sya ng debut album na may self titled na ENCHONG DEE.

Tuwing birthday nya lalo pa nung mga panahong di pa ganun kasikat ang internet sa mundo ko, di ko alam kung paano ko sya babatiin. Ang ginagawa ko na lang, sa isip ko sya babatiin, nagdeday dream ako na kapiling ko sya ngayon at mapasaya sya sa pinakaespesyal na araw ng buhay nya. Minsan gumagawa ako ng letter (na may kasama pang kilig habang sinusulat) itatago at nangangarap na balang araw, maibigay ko sa kanya ng personal nun. Kaya nung nauso ang Facebook, Twitter, Instagram and whatsoever, matik na. Last birthday nya, binati ko sya sa mismong FACEBOOK account nya (feeling ko personal account nya yun eh, kasi pag nagpopost sya sa instagram, matik sa fb nya) hehehe (STALKER DETECTED!) pero parang ako yung may birthday kasi nilike nya yung post ko sa kanya na "Happy Birthday Love! :)" ang ngiti ko nun hindi lang hanggang tainga, kung saan pa pwedeng umabot HAHAHA lahat pa ng pwedeng kiligin, umabot.

Lalo ko pa syang hinangaan nung Katorse days nya bilang Jojo. Cutie eh! Kumbaga simple pero rock. Mahilig kasi ako sa singkit (maisingit ko lang: elementary pa lang ako, (oo na! maladyutay na ko) lahat ng natitipuhan ko, mga chinito beybe) kaya talagang extreme ang pagkacrush ko sa kanya. Sa lahat ng shows at movie nya, lahat yun sinuportahan ko, pinanuod ko, pinangrap na sana ako yung kaeksena nya, yung hinahawakan nya ng kamay, yayakapin ka nya pag umiiyak ka, ngingitian ka pag maganda na yung moment, sasabihan ka ng I love you at higit sa lahat, maging TOTOO ang lahat. Pinangarap ko yung sa ilang taong iniidolo ko sya. Di ko nga lang mabili yung magazines na cover sya, mahal eh. Saka na, pag may work na ang lola mo!

Kaya 2 weeks ago, habang nasa byahe ako papasok ng school, may biglang pumukaw sa paningin ko. Isang tarpaulin na naglalaman ng "ENCHONG DEE | MARCH 14 | ROBINSONS ANTIPOLO | 5PM" nung nakita ko yun, aba, nung una hindi pa nagsisink in, maya maya, aba matindi to. Enchong dee, antipolo robinsons. PUPUNTA AKO!!!!!!!!!

Kaya walang araw na hindi ako nagkacountdown. Hanggang sa magsabado na at heto na "ITS-TIME-TO-MEET-AND-GREET-ENCHONG-DEE" gosh. Nakakakabang nakakaexcite. Kaso may klase ako. Eh hanggang alas kwatro pa naman klase namin, eh ayaw paawat ng professor namin, gusto mag extend hanggang 5pm. Ngali ngali kong sabihin "Sir, linggo linggo na tayong nagkikita, si Enchong Dee minsan lang" pero siguro nakikiayon ang tadhana sakin. WAHAHAHAHA. Pinauwe din kami.

Nung nandun na ko sa Robinsons kasama mga kaklase ko, kwento ko lang habang nasa tricycle kami, nako ang tili, kilig, kaba at iyak ko. Nako. Nagmumukha akong tanga, paulit ulit kong sinasabi na "Si Enchong Dee yan". Kaya nung makatapak kami sa entrance ng mall, nagmix emotion na ko. Mukha mang tanga kung marerealize nyo pero yun ang naramdaman ko. Noon kapag nakakakita ako ng fan na umiiyak sa TV, sinasabi ko nalang, mukhang tanga, iiyak iyak pa. Pero kinain ko lahat ng sinabi ko. Nung alam kong nandyan sya, naiiyak na talaga ko and for some reasons gusto ko talagang umiyak sa tuwa kasi after-oh-so-many-years, magkikita na rin kami. Pero dahil ayaw kong magmukhang tanga, okay, di ako umiyak, dedma na lang. Hahaha.

Di ko na pahahabain to (dahil mahaba na to), nung lumabas na sya sa stage, grabe sigaw ko at tili ko. Maisingit ko lang kaya sya nagpunta ng Robinsons for Album Signing nya (NAKS!) at kahit 200 hash ang presyo, grinab ko na. Selfie din sa kanya yun. Sumayaw, kumanta, bati bati, sayaw ulit, kanta ulit hanggang sa dumating na yung chance na makausap, makapagpapicture at makayakap sya. Kaya nung nasa stage na ko at magpapaautograph, naranasan nyo na ba yung tipong parang titigil yung mundo mo, parang wala kang musikang naririnig, yung feeling na parang kayong dalawa (LETSE SA MGA MABUBULAKLAK NA SALITANG TO) pero nung mga panahong yun, yun ang lubos na naramdaman ko. Kaya nung nasa harapan ko na sya, di na ko makapagsalita hanggang sa tinapik na lang ako ng susunod sakin at sinabing "teh, ikaw na!" dun na lang ako nahimasmasan at nakita ko syang nakatingin sakin at siguro sa isip isip neto, "parang loka loka tong babaeng to, mananahimik tas biglang titili" kaya nung nakalapit na ko, nagselfie kami tsaka niyakap ko sya na talagang sinulit ko yung bayad ay este yung moment na to. Minsan lang eh, dapat lubusin.

Wala pang 2minutes pero parang "MAY FOREVER". HAHAHAHA. Alam kong sa isang oras na tinagal nya, alam ko sa sarili ko na masusundan pa to. Di lang isang selfie at yakap, alam ko masusundan, hindi man ngayon, o bukas pero alam ko darating din yung panahon na magkikita ang isang ARTISTA at ang kanyang FAN. Kaya isang DREAM COME TRUE to at isa sa pinakaAMAZING na SELFIE na MAYROON ako!

PS: Kung makarating man sa kanya to, handa kong dagdagan ang kwento ko na kasali sya. Mahal ko sya at sya lang ang nag-iisang CHINITO ko. :)


Friday, February 20, 2015

Introduction

Ang buhay ay parang isang batang spoiled, maramot. Maramot sa tunay na nagmamahal. Kung sino pa ang lubos kung magmahal, yun pa ang nasasaktan. Ganun ba talaga pag nagmamahal? Dapat laging nasasaktan? Hustisya naman!

Bata akong uhaw sa atensyon ng mga taong nasa paligid ko. Nag-aaral ng mabuti, sinusubukang maging top, aktibo sa mga aktibidad sa paaralan, hindi ko inuuna ang pansariling kasiyahan, pero kahit anong gawin kong "pagpapansin", hindi nila nakikita ang lahat ng ginagawa ko para sa kanila. In reality, ako'y isang pinakaleast option at kailanman ay hindi mangunguna.

Lumaki ako ng sinusubukang manlimos ng pagmamahal. Kailanman hindi ko naramdaman ang makuntento dahil sa isip at puso ko'y laging may kulang, laging may hinahanap. Kaya kung magmahal ako, hindi man ng romantikong paraan, kaibigan man o pampamilya ay lagi itong sobra sobra ... na dumadating sa mga pagkakataong walang natitira sa sarili ko.

Minsan iniisip ko normal pa ba tong pag-iisip ko. Na kahit harap harapan kong pinagsisiksikan ang sarili ko, kailanman hindi ako magiging parte ng istorya nito. Kaya sanay akong mag-isa ... Kumain, gumala, at magmahal. Hindi ko na iniinda ang mga sakit ng realidad. Para sa iba, kabaliwan ito, pero sa kamalayan ko, ito'y nagpapatunay na hindi ako karapat dapat na bigyan ng atensyon at pagmamahal.