Friday, February 20, 2015

Introduction

Ang buhay ay parang isang batang spoiled, maramot. Maramot sa tunay na nagmamahal. Kung sino pa ang lubos kung magmahal, yun pa ang nasasaktan. Ganun ba talaga pag nagmamahal? Dapat laging nasasaktan? Hustisya naman!

Bata akong uhaw sa atensyon ng mga taong nasa paligid ko. Nag-aaral ng mabuti, sinusubukang maging top, aktibo sa mga aktibidad sa paaralan, hindi ko inuuna ang pansariling kasiyahan, pero kahit anong gawin kong "pagpapansin", hindi nila nakikita ang lahat ng ginagawa ko para sa kanila. In reality, ako'y isang pinakaleast option at kailanman ay hindi mangunguna.

Lumaki ako ng sinusubukang manlimos ng pagmamahal. Kailanman hindi ko naramdaman ang makuntento dahil sa isip at puso ko'y laging may kulang, laging may hinahanap. Kaya kung magmahal ako, hindi man ng romantikong paraan, kaibigan man o pampamilya ay lagi itong sobra sobra ... na dumadating sa mga pagkakataong walang natitira sa sarili ko.

Minsan iniisip ko normal pa ba tong pag-iisip ko. Na kahit harap harapan kong pinagsisiksikan ang sarili ko, kailanman hindi ako magiging parte ng istorya nito. Kaya sanay akong mag-isa ... Kumain, gumala, at magmahal. Hindi ko na iniinda ang mga sakit ng realidad. Para sa iba, kabaliwan ito, pero sa kamalayan ko, ito'y nagpapatunay na hindi ako karapat dapat na bigyan ng atensyon at pagmamahal.